“They are there at the front door every single day. Not understanding that their master is never coming back.”

Tulad sa kuwento ng legendary dog na si “Hachiko”, dalawang aso sa Sampaloc, Maynila ang hindi umaalis sa harap ng dating apartment ng kanilang fur parent na namatay na, waring naghihintay pa rin sa pagbabalik nito.

Sa Facebook post ng non government organization na Animal Kingdom Foundation (AKF), ibinahagi nila na ang nagmamay-ari sa dalawang aso ay nasawi noong Disyembre 28, 2022 dahil sa cardiac arrest.

Magmula raw nang araw na iyon, hindi pa rin umaalis ang dalawang aso sa harap ng dating inupahang apartment nito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“They are there at the front door every single day. Not understanding that their master is never coming back,” pahayag ng AKF.

Nakakakain na lamang daw ang dalawang aso dahil sa isang kapitbahay na nagmamalasakit sa kanila. Ito rin daw ang nag-report sa AKF ng kanilang kalagayan sa pag-asang mahahanapan nila ng bagong pamilya ang mga ito.

Nanawagan naman ang AKF na maaaring magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page ang mga nagnanais maging bagong fur parent ng dalawa.

“SUCH LOYAL DOGS DESERVE A NEW HOME and a LOVING FAMILY. We appeal to anyone out there who might want to open their hearts and their home for these two lovely dogs,” saad ng organisasyon.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!