Kuwelang binara ng kilalang content creator at doktor ang mga gawain na sa matagal na panahon ay pinaniwalaang masama umano sa katawan at kalusugan ng isang tao.

Ito ang viral na pagbara ng online star, doktor at TV personality na si Alvin Francisco noong Huwebes, Enero 26.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kabilang sa mga nilinaw niya ang walang masamang epekto sa katawan ng tao sa paglunok ng plema.

“Matutunaw lang sa tyian ang plema at ilalabas mo lang din sa sistema mo. Walang harmful effect,” saad ng doktor.

Sunod na hirit niya, “Hindi plema ng iba ha. Sariling plema.”

Binasag din ng doktor ang paniniwalang masama ang maligo nang pagod o tuwing may regla.

“Anytime pwede maligo. Ang bawal lang ay pag may kasabay ka na hindi mo asawa,” kuwelang saad ng doktor na parehong impormasyon at good vibes ang hatid sa libu-libong followers.

Dagdag ni Doc Alvin, wala ring masamang epekto sa katawan ang pagbabasa ng kamay pagkatapos magplantsa. Paglilinaw niya, “Hindi totoo ang pasma.”

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 30,000 reactions at nasa mahigit 2,400 comments ang viral post.

Huling hirit ng online personality, wala rin aniyang masama ang “mag-first move kay crush.”

Kilala si Doc Alvin sa kaniyang mga health related contents na kadalasa’y nagpapaliwanag sa ilang viral na usaping pangkalusugan online.