Matapos ang kaliwa’t-kanang suportang natanggap ni Miss Universe 2022 R’Bonney Nola Gabriel, ikinatuwa ng Pinoy pageant fans ang balitang magkakaroon ito ng homecoming sa Pilipinas.

Sa panayam sa kaniya ng Frontline Pilipinas, ibinahagi ng Filipina-American na si R’Bonney Gabriel na natutuwa siya na maraming Pilipino ang masaya sa kaniyang pagkapanalo.

Aniya, “So many Filipinos are there cheering for me and I’m just so happy that Filipinos are celebrating, I mean not only in America but all over the world too.”

Certified “Manila Girl“ si R’Bonney, matapos ibinahagi niya na bago pa man siya sumali sa mga prestihiyosong pageant ay madalas siyang nasa Pilipinas.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"I stay in a family house in Malate; every time I go to Manila, I feel like most of the time, I’m eating and shopping or sitting in a car in traffic," pagbabahagi niya.

Dagdag pa niya, "I’ve been wanting to go to the Philippines because I haven’t visited since before COVID. So it’s been maybe 3 years now. I told them I would love to go, and I hope we can make it happen.”

Naikuwento rin ni R’Bonney na gusto niyang makakuwentuhan ang mga Pinay Miss Universe.

Aniya, “I haven’t spoken to Pia yet, hoping to do that. I supposedly to reach out to her but Catriona was actually there hosting, so, her and I got to exchange a few words after I won. She wished me luck, gave me some advice and always stayed true to myself.”

Dedma naman sa mga bashers si R’Bonney matapos sabihin ng ilang Venezuela fans na luto raw ang pagkapanalo niya, pero maraming pageant fans pa rin ang nag-celebrate sa kaniyang pagkapanalo.

Basahin: Luto raw? Venezuelan fans, naniniwalang ‘ninakaw’ ang Miss Universe title sa kanilang kandidata – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, inaayos pa ng Miss Universe organization ang homecoming ni R’Bonney sa Pilipinas.