Naputol man ang mahabang taong rekord ng bansa sa prestihiyusong pageant, mananatili umanong iconic si Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj bilang “drought-breaker” ng Philippine pageant era.

Ito ang viral na ngayong pagbibigay-pugay ng kilalang Missosology sa unang Pinay na nakapasok sa semifinals, at kalauna’y Top 5 matapos ang isang dekada.

“Maria Venus Raj will always be remembered as the beauty queen who broke the decade-long drought that plagued the Philippines in Miss Universe.,” mababasa sa post ng Missosology, Linggo.

“From 2000 till 2009, no Philippine bet made it to the semi-finals. And then came Venus who put the Philippines back on the pageantry map,” dagdag ng pageant page.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Itinanghal na panglima sa kanilang batch, si Venus ang nagpasimula sa sunod-sunod na placement ng Pinay delegate sa Miss Universe.

“Since her fourth runner-up finish in 2010, the country has consistently made it as a semifinalist, at the very least, highlighted by the title wins of Pia Wurtzbach (2015) and Catriona Gray (2018),” pagtatapos ng Missosology.

Umabot na sa mahigit 19,000 reactions ang naturang post na pinusuan ng libu-libong pageant fans.

Tila pamamaalam naman nila ito sa bigong pagpasok kamakailan ni Celeste Cortesi sa semifinals ng 71st Miss Universe.

Samantala, bagaman kadalasang ipinagmamalaki na ang Pilipinas ang may hawak ng pinakamahabang semifinals streak sa Miss Universe, hahamunin ito ng dalawa pang pageant powerhouse na bansa.

Hawak kasi ng bansang USA ang aktibong 22-taong placement streak mula 1977 hanggang 1998 habang pumapangalawa dito ang Venezuela na mayroon namang 21-taong streak mula 1983 hanggang 2003.

Kasalukuyang mayroong apat na Miss Universe titleholders ang Pilipinas.