Ipatutupad ang malakihang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 24, ayon sa pahayag ng mga kumpanya ng langis nitong Lunes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, ₱2.80 ang ipapatong nila sa kada litro ng gasolina, ₱2.25 naman sa diesel at ₱2.40 sa kerosene.

Kahalintulad na hakbang din ipatutupad ng Cleanfuel.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ng kahalintulad na price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis sa bansa.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Ito na ang ikalawang sunod na linggong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na epekto lang ito ng pagtaas ng demand ng China.