Nilusob ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang sabungan dahil ginagamit umano ito sa operasyon ng e-sabong o online sabong sa Novaliches, Quezon City nitong Biyernes ng hapon.

Sa report ng NBI, sangkot umano ang Sta. Monica cockpit arena sa Novaliches, sa e-sabong operations kaya nila ito nilusob sa bisa ng search warrant.

Nadiskubre ng raiding team angmga naka-set upna television screen,camera, servers at wifi na gamit sa operasyon ng ilegal na online sabong.

Iginiit naman ng manager ng sabungan na wala silang ginagawang mali o ilegal na laban sa sabungan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Wala rin umano silang livestream sa laban ng mga manok o nagpapataya sa labas ng kanilang cockpit.

Kinumpiska ng NBI ang lahat ng computer, camera at iba pang gadgets na ginagamit sa online sabong.

Sasampahan na ng kaso ang nangangasiwa sa nasabing sabungan na ipinasasara na rin ng NBI.