Hindi maipaliwanag ng Kapuso actress na si Andrea Torres ang kaligayahang nararamdaman dahil sa abot-abot na papuri at paghangang natatanggap niya dahil sa markadong pagganap bilang "Sisa", sa trending at hit fantasy-drama series na "Maria Clara at Ibarra" ng GMA Network.

Anang mga netizen, kung noon daw ay "baliw" lamang ang alam ng mga tao patungkol kay Sisa, ngayon daw ay mas malalim na ang pagtingin nila sa isa sa mahahalagang tauhan ng nobelang "Noli Me Tangere" ni Dr. Jose Rizal.

'Malalim na pagganap!' Andrea Torres, sabog ang puso sa kaligayahan matapos purihin bilang 'Sisa'

"Sisa, maraming salamat sa karangalan na maisabuhay ang kwento mo ❤️ At maraming salamat sa inyong lahat at pinapasok niyo kami sa inyong mga puso. Isa ito sa mga role na di ko kailanman mabibitawan at haaaay, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa biyayang ito…" mababasa sa tweet ni Andrea.

https://twitter.com/andreaetorres/status/1613886925215268866

"..Lahat ay ibinabalik ko sa Taas ❤️ Hanggang sa muli ❤️❤️❤️" dagdag pa niya.

https://twitter.com/andreaetorres/status/1613887043037442049

Dahil sa angking-husay ay pinarangalan si Andrea bilang "Best Performance by an Actress in a Supporting Role" sa 7th GEMS Awards.

Andrea Torres (Larawan mula sa Twitter account ng Sparkle

Hinirang din siyang "Best Supporting Actress" ng Platinum Stallion National Media Awards 2023 ng Trinity University of Asia.