Ipasisilip na ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa NBI ang pagdukot sa dalawang human rights activists at development worker sa Cebu City kamakailan.

Nauna nang iniulat ang umano'y abduction kina Dyan Gumanao at Armand Dayoha ng ilang hinihinalang pulis.

Basahin: Magkasintahang development workers na ilang araw nawala, dinukot; nakabalik na sa pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sinabi ni Remulla na sa oras na may makalap nang impormasyon ay  pakikilusin na nila ang NBI.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa ngayon ay hindi pa nagbigay ng karagdagang impornasyon si Remulla dahil kailangan pang alamin ang mga detalye na siya namang ipinaaalam sa NBI.

Tiniyak naman ni DOJ spokesman at Assistant Secretary Mico Clavano na ang NBI na ang siguradong magsisiyasat sa insidente lalo na't mga pulis ang pinaghihinalaang nasa likod ng pagdukot.