Para sa may-edad nang mamahayag na si Jay Sonza, ang mga suot na tattoo ni Celeste ang isa sa mga naging malas umano sa bid ng Pinay candidate sa Miss Universe 2022 competition.

Bagaman marami ang aprub sa hindi pangkaraniwang kagandahan ni Celeste lalo pa’t lantad sa katawan nito ang ilan niyang burda, hindi maiwasang makanti ng ilang konserbatibo ang hindi nga pamantayan ng ganda noon at negatibong pananaw sa pagpapa-tattoo.

Isa nga ang beteranong mamahayag na si Jay Sonza sa mga personalidad na naniniwalang malas ang dala ng mga tattoo sa mga beauty contest.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Kung lalahok ka sa anumang beaucon, tiyakin mong wala kang tato ng malunggay sa singit. Mamalasin ka. Pramis,” mababasa sa Facebook post nito, Linggo.

Matatandaan noong preliminary round ng Miss Universe, confident na ibinalandra ni Celeste ang ilan sa kaniyang mga tattoo kabilang na ang nasa bandang singit at side hip nito.

Ayon sa isang ulat, mayroong kabuuang walong tattoo si Celeste na may kaniya-kaniyang malalim na kahulugan para sa beauty queen. Kabilang dito ang inisyal ng kaniyang namayapang ama, kaniyang alagang aso at petsa ng kaarawan bukod sa iba pa.

Bukod sa mga tattoo, nauna nang naging kritikal ang mamahayag sa naging national costume ni Celeste, ang Darna!

“Parang hindi yata ako na-inform na 'national costume' na ang salawal, salong-dibdib at korona ni Darna,” ani Jay sa isang Facebook post matapos ang prelims.

Sa esensya, ang national costume category na walang bearing sa overall competition ay kahit anong simbolismo na kumakatawan sa bansa.

Ang Darna halimbawa ay ilan-taong bahagi na ng pop-culture sa bansa na sumisimbolo sa katatagan, at kabayanihan ng mga Pinay.

Paalala ni Sonza sa susunod na mga delegada gayunpaman, “Sa susunod huwag magsusuot ng bra, panty at headband lang sa ‘national costume’ segment ng beauty pageant!”