Tila nag-assemble muli ang ilang titleholders at beauty queens para magpaabot ng suporta kay Celeste Cortesi, ang potensyal na ikalimang Pinay Miss Universe titleholder.

Sa naganap na preliminary round ng ika-71 edisyon ng prestihiyusong pageant nitong Huwebes, sabay-sabay na nagpakita ng suporta ang kapwa beauty queens para kay Celeste.

Kabilang na rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagpaabot ng kaniyang suporta sa isang Instagram story tampok ang Darna-inspired national costume ni Celeste.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Instagram story

“Our dear @celeste_cortesi killing it at Miss Universe!” anang ikatlong Pinay Miss Universe.

Ganito rin ang sentimiyento ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina na aniya’y “perfectly right” ang natcos kay Celeste.

Instagram story

Para naman kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, pinatunayan aniya ni Celeste sa preliminary round pa lang na karapat-dapat niyang katawanin ang bansa sa prestihiyusong kompetisyon.

Instagram story

“Let the sun light up your way to success. Laban lang, Cele!” ani Rabiya sa isa ring Instagram story.

Isang good luck message naman ang ipinaabot ni Miss International Kylie Verzosa kina Celeste at half-Pinay ding si Evlin Khalifa ng Bahrain.

Instagram story

Maliban sa kanila, abot-abot na suporta rin online ang ipinaabot ni Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo kay Celeste.

Instagram story

Naispatan namang pinanuod din ni Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold ang prelim competition ng Pinay beauty queen sister.

Instagram story

Sa nagdaang dekada, lumitaw ang Pilipinas bilang isa sa mga pageant powerhouse sa mundo.

Sa katunayan, isa ang bansa sa iilan lang na nakapag-uwi ng magkakahiwalay na korona sa tinaguriang Big 5 pageants kabilang na ang Miss Universe, Miss World, Miss Earth, Miss International, at Miss Supranational.

Kung papalaring manalo, si Celeste ang magiging ikalimang Pinay Miss Universe kasunod ni Catriona Gray noong 2018.