Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes na ibinebenta nila ng ₱2,200 ang kanilang 150-Piso commemorative coin bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng pagkamartir ng tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora o kilala bilang GomBurZa.

Tampok sa limited series commemorative coin ang mga larawan ng GomBurZa kung saan nakatatak din ang "REPUBLIKA NG PILIPINAS” at “150-Piso.”

Sa kabilang bahagi ng coin, nakaukit naman ang “EXECUTION OF THE THREE MARTYR PRIESTS,” logo ng BSP, dedikasyon ni Dr. Jose Rizal sa El Filibusterismo, silweta ng bantayog ni Andres Bonifacio sa Caloocan City, at ang official logo ng ika-150 anibersaryo ng pagkamartir ng GomBurZa.

Sina Gomez, Burgos at Zamora ay hinatulan ng kamatayan ng mga Espanyol sa Bagumbayan (Luneta Park) noong Pebrero 17, 1872 dahil umano sa kanilang pagkakasangkot sa pag-aalsa sa Cavite noong Enero 20, 1872.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Ang naturang barya ay gawa sa nordic gold na may diyametrong 34mm at 15 gramo.

"The coins will be available for sale starting on 16 January 2023, 1:00 pm at the BSP Store: https://bspstore.bsp.gov.ph," pahayag pa ng BSP.