Matapos makarekober na sa wakas sa nakahahawang Covid-19, nakabalik na sa kompetisyon ang isa sa frontrunner sa Miss Universe competition ngayong taon -- ang manok ng Curaçao na si Gabriela Dos Santos.

Back in the game na ang dating dark horse at ngayo’y nasa radar na ng kaliwa’t kanang pageant predictions para sa prestihiyusong korona.

Basahin: Oh no! Miss Curaçao, nagpositibo sa Covid-19, aarangkada pa kaya sa Miss Universe? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang matapos lumapag ng New Orleans, Louisiana sa Amerika, nagpositibo sa Covid-19 si Gabriela dahilan para sumailalim siya sa limang araw na quarantine. Dahil dito, ilang pre-pageant activites din ang na-miss ng delegada.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Gayunpaman, agad na umarangkada sa kompetisyon si Gabriela noon Lunes, at nanatiling isa sa fan favorites para sa korona.

Isa na nga ang nalula sa alindog ng kandidata si Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa.

Sa kaniyang Facebook post, Lunes, nagpahayag ng kaniyang appreciation ang beauty queen kay Gabriela.

“Teka lang naman inistalk ko si Curaçao bakit naman ang chowsa ni acclaaaaa,” aniya.

Ito rin ang sinang-ayunan ng maraming Pinoy pageant fans.

“True mars, biglang lumitaw si accla!” sey ng isang follower ni MJ.

“Parang mix ni Pia saka Miss Colobia 2016,” segunda ng isa pa,

“Ang ganda kasi ni Curacao, pasok top 5 yan!”

“My former Dark Horse to Clear Front Runner!”

Si Gabiela ay isang life coach na matatas sa apat na lenggwahe kabilang na ang English, Spanish, Dutch, at. Papiamentu. Kabilang sa kaniyang mga interes ang kickboxing, modeling at pagbiyahe dahilan para mabisita rin niya ang sampu pang iba’t ibang bansa.

Noong 2019, itinatag ni Gabriela ang “Light4change,” isang organisasyon para sa kabataan na layong magbukas ng pinto para sa kanilang sariling pagkakakilanlan.

Sa huli, hangad ng kandidata na maging boses ng kaniyang henerasyon.