"Desperate times, desperate measures"

Sa isang Youtube “Exclusive Tell-All Interview” ng social media personality at content creator na si Chino Liu o mas kilalang 'Krissy Achino' sa online personality na si Xian Gaza nitong Enero 7, diretsahang inamin ni Gaza na 'ginamit' niya lang ang kaniyang ex-girlfriend noon na si Irish Tan.

Kuwento ni Gaza, nagtagal ang kanilang relasyon ng 11 buwan, simula July 2018 hanggang June 2019.

At nang tanungin kung "totoong minahal niya ba talaga ang dalaga?" ang kaniya namang naging sagot, "Let's be honest, sobra to a point na mahal ko siya at the same time kailangan ko siya kasi during that time walang-wala talaga ako."

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

Dagdag pa niya, si Irish umano ang gumastos sa lahat ng kaniyang mga pangangailangan katulad na lamang ng pagkain, luho, at bisyo simula August hanggang September 2018 bago siya lumipad papuntang Singapore.

"Sobrang nakakababa, parang feeling ko tae ako pero no choice ako. Kapag dumating ka sa punto na kahit pagkain pinoproblema mo, yung pang araw-araw pinoproblema mo. Wala kang choice kailangan mong kumapit," aniya

Aminado si Gaza na wala umano siya sa tamang pag-iisip dahil sa tinataguang warrant of arrest noon– na naging dahilan ng kaniyang depresiyon.

"Wala sa tamang hulog ang pag-iisip ko that time, nilalamon ako ng depresyon. Imagine pugante ako nagtatago ako sa Pilipinas dahil mayroon akong warrant of arrest tapos walang-wala ka sa buhay. So yung line of thinking ko that time hindi talaga tama,” anito

"I cheated on her tapos ginamit ko rin siya, aminado ako," diretsahang sagot ni Xian.

Depensiya niya, kaya niya nagawa ang mangaliwa noon dahil nalaman umano niya ang totoong trabaho nito, hindi niya ito matanggap.

"Minahal ko siya, tanggap ko kung sino siya, yung pagkatao niya pero hindi ko matanggap kung ano siya.

Ang trabaho umano ng kaniyang ex-girlfriend ay magbenta ng kaniyang mga hubad na larawan online, at sigurado rin umano siya dito dahil siya mismo ang nag-ooperate sa mga mismong clients nito.

"Noong nalaman ko ang totoo niyang trabaho, parang hindi ko na matanggap pero doon sa point na hindi ako umi-exit sa kaniya dahil hindi ko na matanggap yung work niya, I can say ginamit ko siya,” paglalahad ng online personality.

"100% kahit mamatay pa ang mga mahal ko sa buhay right now, dahil nakita ko mismo dahil ako nag-ooperate ng mga clients niya, and everything dahil kami ang magkasama sa abroad habang work niya 'yon," saad niya.

Nang tanungin naman siya kung ano ang kaniyang naging plano nung mga oras na iyon, "Kapag nagkapera ako, eexit ako sa buhay niya. Well desperate times desperate measures, siya lang yung meron ako during that time na hampaslupa ako; itsura ko, image ko, walang-wala akong pera and everything. Walang papatol sa'kin maliban sa kaniya, so kinailangan kong mag-stay at kumapit sa kaniya."

Matatandaang unang pumutok ang isyu ng dalawa noong mag-post si Irish Tan ng mga screenshot sa kaniyang Facebook account na dahil sa nilalaman nitong ‘di umano'y mga 'baho' ni Xian Gaza. 

&feature=youtu.be