Sinimulan na nitong Lunes, Enero 9, 2023, ang paghuhukay sa dadaanan ng Metro Manila Subway Project (MMSP), na siyang kauna-unahang subway sa bansa.

Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, ang nanguna sa pagpapaandar ng unang Tunnel Boring Machine (TBM) na gagamitin sa paghuhukay ng subway tunnel simula sa Valenzuela City.

Nabatid na saklaw ng Contract Package (CP) 101 ng proyekto ang konstruksyon ng tatlong underground stations sa Quezon City at additional semi-underground station sa northernmost part ng Valenzuela City depot.

Ayon kay Bautista, higit na makatutulong ang naturang subway project sa mga commuters dahil sa pamamagitan nito ay aabutin na lamang ng 35 minuto ang biyahe mula Valenzuela City hanggang NAIA, mula sa dating isang oras at sampung minuto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagtaya ni Bautista, aabot din sa 519,000 pasahero kada araw ang kayang maserbisyuhan ng naturang proyekto.

"Today’s start of tunneling work signifies the point of no return. We are going full speed ahead to complete the country’s first subway," dagdag pa ng kalihim.

Kasabay nito ang taos-puso ring pinasalamatan ni Bautista ang Japanese government at JICA International Agency Cooperation (JICA) na naging katuwang ng gobyerno sa pagpapasakatuparan ng makasaysayang proyekto ng bansa.

"Let me reiterate my gratitude to our financial partner—the Japan International Cooperation Agency or JICA. Your faith in this project inspires us to work harder…to work smarter," anang kalihim.

Sa naturang ding aktibidad, ipinagmalaki ni Bautista na nakakuha ang DOTr ng mahigit $6 milyong pondo para sa feasibility studies ng iba pang railway projects ng pamahalaan.

“I am pleased to announce that following the directive of the President in July last year, the Department of Transportation has already secured over $6 million to fund the feasibility studies for the development of the Panay Railway, Bataan Railway and the North Long Haul Interregional Railway, which will connect Ilocos and Cagayan with the National Capital Region,” ani Bautista.

Aniya, ang technical studies para sa mga naturang railways ay inaasahang magsisimula na sa mga susunod na buwan.

Tiniyak rin ng kalihim na magse-secure pa sila ng pondo para naman sa feasibility studies ng San Mateo Railway, Northern Mindanao Railway, at ng Philippine Transport System Master Plan, na pawang bahagi ng plano ng administrasyong Marcos na buhayin ang railway industry sa bansa.

Samantala, buo naman ang tiwala ng Pangulo na maipagpapatuloy ang magandang proyektong tulad nito sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ani PBBM, “The launching of this tunnel boring machine become a testament to this administration's commitment, continue the project of the previous administration, and more importantly, to build better more.”

Kasama sa nakibahagi sa programa sina Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, JICA Chief Rep Takema Sakamoto, Senator Mark Villar, Senator Win Gatchalian, Senator JV Ejercito, City Mayor of Valenzuela Congressman Rex Gatchalian, City Mayor of Valenzuela Wes Gatchalian, at ilang opisyal ng DOTr na sina Undersecretary for Railways Cesar Chavez, Assistant Secretary Jorjette Aquino,at representatives mula sa public and private sector.