Nanawagan na ng suporta sa kaniyang milyun-milyong followers ang online personality na si Senyora para iboto ang kandidata ng Pilipinas na si Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 competition.

Higit isang linggo bago ang inaabangan nang final at coronation night ng tinaguriang most prestigious pageant sa mundo, abala na ang mga delagada ng iba’t ibang bansa para sa kani-kanilang pre-pageant activities.

Kabilang na rito ang Pinay rep na suki nga sa ilang promotional series ng Miss Universe.

Basahin: Early favorite? Celeste Cortesi, bida sa socmed ng isang cosmetic boss para sa Miss Universe – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang pinakalatest dito ang pagkakabilang kay Celeste sa official photoshoot para sa cosmetics sponsor ng pageant brand ngayong edisyon, ang MUBA.

Sa inilabas na video ng Miss Universe nitong Sabado, Enero 7, awra kung awra sa maikling reel ang Pinay delegate kasama ang pambato ng Thailand na si Anna Sueangam-iam, manok ng South Africa na si Ndavi Nokeri, delagada ng Spain na si Alicia Faubel at alas ng Bahrain na si Evlin Khalifa.

Nauna nang nireveal noong Biyernes ang opening look ni Celeste na aprub na rin ng maraming Pinoy fans.

Hindi naman pinalagpas ng Facebook icon na si Senyora ang makipagtapatan sa alindog ng Pinay-Italian beauty.

Sa kaniyang Fabeook page ngayong Sabado, laban na laban ang kuwelang edited na larawan ng online personality para tapatan si Celeste, bagay na ikinatuwa ng kaniyang followers.

Bagaman mas maganda aniya siya, hinikayat niya na rin ang nasa mahigit anim na milyong followers sa Facebook na suportahan ang Pinay rep sa nagpapatuloy na botohan sa Miss Universe.

Sa darating na Enero 14 gaganapin ang coronation finals ng ika-71 edisyon ng Miss Universe sa New Orleans, Louisiana.

Kung papalarin, si Celeste na ang magiging ikalimang Pinay Miss Universe.