Inaasahang magpatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa pahayag ng Unioil Petroleum Phils., Inc., posibleng magpatupad sila ng bawas na ₱2.40 hanggang ₱2.60 sa kada litro ng diesel habang sa gasolina ay tatapyasan ng ₱0.50 hanggang ₱0.60 sa presyo nito.

Salungat ito sa naunang pagtaya ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), na mahigit sa ₱1.50 ang ibabawas sa presyo ng bawat litro ng diesel habang sa gasolina ay babawasan ng mahigit sa ₱0.50 sa kada litrong presyo nito.

Inaasahang magpairal din ng kahalintulad na hakbang ang iba pang oil companies sa bansa.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Paglilinaw naman ng mga eksperto sa industriya ng langis, resulta lang ito ng pagbaba ng presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.