Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Huwebes na suportado ng San Juan City government, gayundin ng Metro Manila Council (MMC), ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na maghain ng courtesy resignation ang lahat ng full colonels at mga heneral ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang pahayag, nagpahayag rin ng paniniwala si Zamora, na siya ring pangulo ng MMC, na ang ginawang ito ni Abalos na linisin ang police force ay naglalayong bantayan ang integridad ng public service at maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa PNP.

“The City Government of San Juan supports Secretary Abalos in his initiative to cleanse the PNP top brass. With Sec. Abalos' call for courtesy resignations comes a process of review by a committee which will ensure that due process will be observed and their work continues until the courtesy resignations are accepted,” ani Zamora.

“The Metro Manila Council composed of the MMDA Chairman, the 17 Metro Manila Mayors and the representatives of the Metro Manila Vice Mayor's and Councilor's Leagues supports it as well through MMDA Resolution No. 23-01, Series of 2023 as there is already a majority vote as of this statement,” dagdag pa niya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“These reforms are necessary in order to regain the trust and respect of the people for the PNP as well as to recognize the hard work and sacrifice of the police force in achieving a drug-free Philippines,” aniya pa.

Ibinahagi pa ng alkalde na bilang lokal na punong ehekutibo ng San Juan, nakakasama siya sa PNP, gayundin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at mga kapitan ng barangay sa ground kaya’t alam niya ang panganib na hatid ng illegal drug trade sa mga mamamayan.

Simula aniya nang maupo siya sa puwesto noong 2019, umaabot na sa 18 barangays sa lungsod ang naideklarang drug-cleared ng mga anti-illegal drug agencies habang ang natitira pang tatlong barangay ay pawang provisionally drug-cleared na rin.

Kumpiyansa rin si Zamora na pagsapit ng unang bahagi ng taong 2023 ay tuluyan nang magiging drug-cleared ang lungsod ng San Juan.

“With this, San Juan City is on track to being a drug-cleared city by the first quarter of 2023,” aniya pa.

Matatandaang una nang nanawagan si Abalos sa lahat ng full colonels at mga heneral ng PNP na mag-courtesy resignation bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Sakop ng kautusan si PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr., na kaagad namang naghain ng kanyang courtesy resignation.