Binati ng aktor na si Paolo Contis ang anak niyang si Summer para sa kaarawan nito. Sa kabilang banda, feeling blessed naman si LJ Reyes na kasama niya ang kaniyang mga anak sa ibang bansa. 

Sa isang Instagram post, binati ni Paolo si Summer para sa kaarawan nito. Sinabi rin ng aktor na miss na niya ang anak nila ni LJ.

"Happy Birthday my Ganda! I miss you everyday!" saad ng aktor kalakip ang larawan nilang mag-ama.

LJ Reyes sa hiwalayan nila ni Paolo Contis: 'It was painful'

Sa kabilang banda, feeling blessed ang aktres na si LJ dahil kasama niya ang mga anak na sina Aki at Summer sa pagpasok ng taong 2023.

"To the most humbling year that I will put behind, so long 2022! I will keep all the learnings close to my heart and move forward with brightest hope and unwavering faith," saad nito.

"I am blessed to have my kids with me no matter what," aniya pa. 

Matatandaang naghiwalay sina Paolo at LJ noong 2021.

Pag-amin ni LJ sa tell-all interview niya kay Boy, hindi umano ‘mutual decision’ ang kanilang paghihiwalay. Masasabi umanong mutual ang isang desisyon kung parehong nagkasundo ang dalawang partido sa isang usapan.

Nagsimula umano ang pagiging ‘on the rocks’ ng kanilang relasyon noong 2020. Sinubukan pa niya umanong isalba ito, subalit hindi na niya kinayang lumaban kung mag-isa lamang siya. Aniya, nagsasama man sila ni Paolo sa iisang buhay, matagal na niya umanong nararamdamang parang nakahiwalay na si Paolo sa kanila.