Galing na mismo kay LJ Reyes ang kumpirmasyon ng hiwalayan nila ni Paolo Contis, na inamin niya sa isang exclusive interview kay Boy Abunda, sa YouTube Channel nitong "The Interviewer" na mapapanood ngayong September 1, 6PM.

"It was so difficult. It was painful. Kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin," umiiyak na lahad ni LJ kay Boy. Hindi pa malinaw kung pareho silang nagdesisyong maghiwalay na, subalit makahulugan ang naging tugon at pahayag ni LJ sa kung sino ba ang unang nagparamdam ng pakikipaghiwalay.

"Matagal ko nang nararamdamang nakahiwalay na siya sa amin," ani LJ.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

LJ Reyes and Boy Abunda (Screenshot mula sa YT/The Interviewer)

LJ Reyes and Boy Abunda (Screenshot mula sa YT/The Interviewer)

Screenshot mula sa YT/The Interviewer

Matatandaang noong August 20, napansin ng mga netizens na naka-unfollow na sina Paolo at LJ sa isa't isa sa kani-kanilang mga social media accounts. Wala na rin sa Instagram ni Paolo ang mga larawan ni LJ, bagay na naging mas maugong ang chismis na hiwalay na nga silang dalawa. May mga espekulasyon pa ngang gimik lamang ito dahil may pelikula si Paolo katambal si Yen Santos na "A Faraway Land" na mapapanood sa Netflix.

Noong August 22, kinumpirma mismo ng manager ni Paolo na si Lolit Solis ang break-up ng Kapuso couple subalit itinangging walang third party, at huwag idamay ang nananahimik na si Yen, na may iba ring 'open secret' na karelasyon.

LJ Reyes ready to migrate abroad with Paolo Contis – Manila Bulletin
Paolo Contis at LJ Reyes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Pahayag ni Lolit, tila "na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon."

Dagdag pa niya, kaysa humantong pa sila sa bangayan, mas ginusto na nilang maghiwalay nang payapa at maayos, at mapanatili ang kanilang pagkakaibigan, alang-alang sa kanilang anak na si Summer.

Limang taon ang itinagal ng pagsasama nina Paolo at LJ.

OMG! Paolo Contis, LJ Reyes no longer together? – Manila Bulletin
Paolo Contis, Summer, Aki, at LJ Reyes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Samantala, wala pang pahayag si Paolo hinggil sa isyung ito.