Umani ng iba't ibang tugon ang tanong ng kilalang car enthusiast, ecologist, at entrepreneur na si "Angelina Mead King" tungkol sa atas ng pamahalaan na iparehistro na ang mga ginagamit na sim card ng mobile phones, upang maiwasan na ang iba't ibang "anomalyang" may kinalaman dito.

National

SIM Card Registration Act, pirmado na ni Marcos

Nagsimula na ang online registration noong Disyembre 28 at inaasahang magtatapos ngayong 2023.

Kaya naman tanong ni Angie, "Will the sim registration stop all the spam messages I get?"

https://twitter.com/Angiemeadking/status/1607566593994948608

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"No. I'm guessing if they get all the data, algorithm will have a more complete database, age, location, sex, will become more specific targeting our demographics where applicable."

"Sadly, no Ange. It’s a front. There’s heaps of platforms still capable of sending spams without a sim. Twilio, Vonage, zendesk, etc. We know personal data (identity, online and social media behaviour, etc) is the new universal currency."

"No, because 1. Required IDs are easy to fake. Especially those barangay-issued IDs. 2. Networks can’t possibly authenticate all IDs. 3. Even other countries with similar laws are not able eliminate spam & scam messages/calls."

"It should! But we will know later on its effectiveness & practicality once the spam messages we get decreases & totally gone or stays the same & even increases!"

"Eventually, but still it will be a long process. Getting us registered is just one phase. Monitoring and controlling the legitimacy of subscribers is the hard part."

Matatandaang naging usapin ang maraming spam messages na nagpapadala ng iba't ibang advertisement, hiring ng trabaho, pagkapanalo sa isang raffle o contest, at marami pang iba na, isang uri ng phishing o scam.

Samantala, si Angelina ay isang "transwoman" at asawa ng lifestyle host-model Joey Mead King.