Obligado na ang publiko na magparehistro ng kanilangSIM card upang maiwasang magamit ito sa masama o panloloko.

Ito ay nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Lunes ng umaga ang nasabing SIM card registration bill upang maging batas.

Magdadalawang-isip na aniya ang mga nagbabalak na gamitin sa scam messages ang kanilang SIM card.

Kumpiyansa ang Pangulo sa nasabing batas dahil panlaban ito sa nagsasagawa ng mga iligal na aktibidad o krimen.

Ang sinumang hindi magpaparehistro sa itinakdang panahon ay awtomatikong madedeactivate ang SIM card, ayon pa sa batas.