Para kay ALLTV news anchor Anthony "Ka Tunying" Taberna, hindi sapat ang sorry sa nangyaring "kapalpakan" sa air navigation system ng mga eroplano kamakailan, na nagpabalam sa biyahe ng mga pasahero.

Ayon sa kaniyang Instagram post, kailangan umanong may managot o magbitiw sa kaniyang puwesto dahil dito. Libo-libong domestic at international passengers ang nastranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo, Enero 1, dahil kinailangang ayusin ng aviation security officials ang technical glitches na nagresulta sa pagka-delay ng maraming flights.

"Sa pumalpak na Air navigation System.. Hindi sapat ang sorry dito. Wala bang magre-resign dyan? Wag na sanang hintayin na sibakin pa! Anak ng bakang dalaga!" pahayag ni Taberna.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"WTF grabee perwisyo nito peak season pa naman pa what a start sa new year sobrang nakakahiya eto graceful exit na lang sa mga me kasalanan."

"Tama po, nakakahiya, unang araw ng taon palpak kaagad sana naman unahin muna yung mahalaga para hindi tayo nakakahiya sa mga ibang bansa."

"Maliit na problema lang po daw sabi ng CAAP spokesperson. System glitch in general term haha."

"Sabotahe 'yan! Para isisi kay PBBM. Parang kay P-Noy yung tanim-bala, sabotahe rin siya."