Magbabayad na muli ang mga pasahero ng EDSA Bus Carousel dahil natapos na nitong Disyembre 31, 2022 ang ipinaiiral na 'Libreng Sakay' program ng gobyerno.
Sa pahayag ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes,kailangan nang magbayad ng ng₱75.50 ang mga sasakay ng bus ng EDSA carousel mula Monumento sa Caloocan hanggangParañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa Board resolution ng LTFRB, mag-o-operate na ngayon ang EDSA bus rapid transit service sa ilalim ng“Fare Box Scheme” alinsunod sa fare matrix/guide ng ahensya.
Nitong nakaraang taon, hinilingng Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) na maglaan ng budget na₱12 bilyonpara sa pagpapatuloy ng programa ngayong 2023.
Gayunman, hindi ito isinama ng DBM sa 2023 National Expenditure Program at sinabing hindi naman ito regular item at ipinatutupad lang ito upang matulungan ang transportation sector sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).