Puntirya ng Department of Agriculture (DA) na maibaba sa ₱80 ang kada kilo ng sibuyas ngayong 2023.

Katwiran ni DA Assistant Secretary, Spokesperson Kristine Evangelista sa isang television interview, inaasahan na nila ang matatag na suplay nito ngayong taon dahil hindi naman sila umangkat nitong nakaraang taon.

Binanggit pa ng opisyal, magtatatag na rin sila ng mga cold storage facility sa mga piling lugar upang hindi kaagad mabulok ang mga sibuyas.

Aniya, bago makamit ito, kailangan muna nilang malaman ang hangganan ng presyuhan ng mga magsasaka upang tumatag ang farmgate price ng produkto sa buong taon.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

“I hope it will be less than ₱170. I hope we can see months wherein we see ₱80. But the thing is, we are also looking at price stability. We’re trying to help our farmers make price points of which that their farmgate prices will be stable. They know how to spread their losses as well, and to come up with price points that will be stable all throughout the year considering also the cost of cold storage facilities,” sabi pa nito.

Matatandaang hindi natupad ang pangako ng DA na makabibili ng sibuyas na ₱250 kada kilo nitong Disyembre 30 dahil hindi ito napaghandaan ng mga supplier ng produkto.