Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita at ipinaliwanag ni Lotlot De Leon ang kaniyang saloobin at panig hinggil sa pinag-usapang tampo ng kapatid na si Matet De Leon sa kanilang inang si Superstar Nora Aunor, sa isyu ng panggagaya umano nito sa negosyong gourmet tuyo at tinapa ng una.

Sa pagtatapos ng 2022 ay tila naiwan pa ang samaan ng loob ng mag-iina sa isa't isa, lalo't nagbigay ng pahayag si Matet na mukhang hindi na niya kakausapin ang ina.

Sa isang &t=74s">panayam ng showbiz columnist na si Rey Pumaloy, sa naganap na media conference para sa pelikulang "That Boy in the Dark" na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso, na-corner si Lotlot at nauntag kung saan siya naka-posisyon sa sigalot ng dalawa.

Ayon kay Lotlot, wala naman daw nananalo sa mga ganitong uri ng away. Tinitingnan na lamang daw ni Lotlot ang mga nangyari sa "bigger picture".

"I hope eventually… maayos ang mga dapat maayos," pahayag ni Lotlot.

Ian De Leon, nakasama ang inang si Nora Aunor sa Pasko; umani ng iba't ibang reaksiyon

Nang tanungin siya kung nasa gitna ba siya, hindi ito direktang sinagot ng aktres.

"Ganito na lang… wala akong mga kapatid na masasama ang ugali," sey ni Lotlot. "Lahat ng mga kapatid ko, whether si Ian, si Matet, si Kiko, si Ken… lahat 'yan sobrang magaganda ang puso nila. Kasi si Mommy rin (Nora) ang nagtuturo sa kanila kung paano magkaroon ng magandang puso."

Paglilinaw pa ni Lotlot, lahat daw ng magagandang bagay na makikita sa kanilang mga katangiang magkakapatid ay itinuro daw sa kanila ng kanilang Mommy Guy, at nakita nila sa kanilang mga magulang habang sila ay lumalaki.

"Lahat ng mga kapatid ko, they are all good people. They are all willing to sacrifice and love… si Ian, kinakain niyan pride niyan, maipakita lang sa iyo na mahal ka niya. Si Matet, kahit banyo lilinisin niya maiparamdam lang niya sa iyo na mahal ka niya. Si Kiko, ganoon din, kung may kailangan kang ipagawa sa kaniya, o kahit na, all he can do, or offer is to listen, to whatever you have to say, he will listen. Si Kenneth yung tipong kapag may inutos ka, walang hindi 'yan…" pagtatanggol pa ni Lotlot sa kaniyang mga kapatid.

Iba-iba man daw sila ng ugali, lahat sila ay pare-pareho kung magmahal. Kung may mga nabibitiwan mang salita para sa isa't isa, marahil ay dulot na raw ito ng kung anumang "pain" o "miscommunication" sa loob ng pamilya, na normal namang nangyayari sa kahit kanino.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ian ang pagbisita niya kay Ate Guy noong Pasko.

Hindi naman malinaw kung nagkaayos na ba sina Matet at ang ina bago matapos ang 2022.