Ibinahagi ng aktor na si Ian De Leon na nakasama niya noong nagdaang Pasko ang inang si Superstar Nora Aunor, batay sa kaniyang latest vlog.

Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng Superstar nang masilayan niya ang kaniyang mga apo kay Ian. Bukod kay Ian, present din ang kanilang kapatid na si Kenneth.

"After years of being apart, finally we spent time with Mom this Christmas!"

"A perfect and memorable time with my family to be together with her!," saad ni Ian sa ">vlog.

Matet De Leon, ayaw nang kausapin ang inang si Nora Aunor: 'Parang sa akin, ginawa ko na lahat!'

"Lahat ng pagmamahal sa mundo pairalin natin, magkapatawaran tayong lahat, from our family to you Merry Christmas", pahayag pa ng aktor.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na sa Noranians o tawag sa mga tagahanga ni Ate Guy.

"I believe na pagpapalain at lalawig ang buhay n'yong magkapatid, Ian and Kenneth dahil sa respect and love sa parents n'yo."

"I cry inside when I saw how you embrace your mommy, tama lang Ian habang nanjan pa si mommy mo yung maipadama n'yo yung kahalagahan n'ya sa inyong buhay, hindi man ako yung niyakap dama ko yung pagmamahal at pagpapahalaga mo sa mommy mo, your to much good Ian, Merry Christmas and God Bless You Always."

"Thank you so much for sharing this intimate moment with us NORANIANS. Nakakataba ng puso. We love The holy family and your family so deeply. You completed the joy of my Christmas."

"Kahit anong mangyari walang iwanan nandito lang kaming mga fans na laging sumusubabay sa inyo thanks for being a good son both ian and kenneth salamat."

Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang naging hinanakit ni Matet De Leon sa kanilang ina, dahil sa pagkopya umano nito sa kanilang negosyong gourmet tinapa at tuyo.