Umakyat na sa 36 ang kabuuang bilang ng mga fireworks-related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa, tatlong araw pa bago ang pagsalubong sa taong 2023.

Sa datos na inilabas ng DOH nitong Huwebes, nabatid na hanggang alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 29, nadagdagan pa ng apat ang dating 32 lamang na fireworks-related injuries.

Mas mataas ito ng 44% kumpara sa 25 kaso lamang ng FWRI na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

“Mula kahapon, Dec. 28, apat (4) ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals,” anang DOH.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa tatlumpu't anim (36) na mas mataas ng apatnapu’t apat na porsyento (44%) kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa,” anito pa.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na umiwas na sa paputok para maipagdiwang ng bawat pamilya ng kumpleto at ligtas ang Pasko at Bagong Taon.

“Iwas Paputok para sa isang #LigtasChristmas sa Healthy Pilipinas!” ayon pa sa DOH.