Kasunod ng viral na muling pagkikita nina Vice Ganda at Toni Gonzaga sa naging 2022 Metro Manila Film Festival Parade of Stars kamakailan, agad na nabahiran ng kontrobersya ang dalawa.

'Kanino ka lang?' Bernadette Sembrano, ipinaliwanag 'Sa'yo ako' meme

Kabilang na nga rito ang umano’y plastikan lang daw ng dalawa na parehong bida sa magkaibang MMFF entries ngayong taon: ang “My Partners in Crime” ni Vice kasama si Ivana Alawi at “My Teacher” ni Toni kapareha si Joey de Leon.

Basahin: Vice Ganda, inakyat sa MMFF float si Toni Gonzaga at nagyakapan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito nga ang usapan ng showbiz channel ni Ogie Diaz ngayong Linggo kasama ang co-hosts na sina Mama Loi at Mrena.

“Hindi naman sila magkagalit, Mrena. Hindi lang sila nabigyan ng pagkakataon na mabigyan na magkita nang personal pero magkaibigan talaga sila,” depensa naman ni Ogie bagaman malaking katanungan nga raw kung bakit naka-unfollow ang aktres sa komedyante.

Matatandaang naiulat ang umano’y paglimita na ni Toni sa mga sinusundang kapwa celebrities noong kasagsagan ng kampanya bago ang national elections noong Mayo.

“Maraming in-unfollow si Toni. Nilimit niya na lang ‘yung friends niya to 27 persons,” ani Ogie habang sinabing hindi nga kasama rito si Vice.

Nananatili naman sa following list ng “Unkabogable Star” ang actress-host gayunpaman.

Basahin: Toni Gonzaga, in-unfollow ang kanyang celebrity friends sa Instagram – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

So plastikan ang naganap? Rektang tanong ni Mrena kina Ogie at Mama Loi.

“Walang ibang tao na makakasagot sa mga katanungan mo kung hindi silang dalawa lang, hindi ang ibang tao,” sagot ni Ogie.

Dagdag ng showbiz manager, marami ang natuwa sa viral na tagpo ng dalawang stars, at hayaan na lang daw ito.

 “Kung ang ibang tao ay napa-plastikan sa pagbabatian ni Vice Ganda at ni Toni Gonzaga, opinyon din nama na nila 'yun. Hayaan natin. Ang importante ay hindi sila nag-away, nagbatian na nga. Dapat matuwa ang karamihan d’yan,” aniya pa.

Matatandaang magkaibang Pangulong kandidato ang sinuportahan ng dalawa noong kasagsagan ng mapaghating eleksyon ngayong taon.

Si Vice ang walang-awat na nag-endorso noon kay dating Vice President Leni Robredo habang si Toni naman ang buong-loob na itinaguyod ang kampanya ng ngayo’y Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaang dahil nga sa maingay na halalan ay marami raw empleyado ng ABS-CBN ang nadismaya kay Toni dahil sa ginawa nitong hayagang pagsuporta sa kandidatura noon ni Marcos. Jr, at ilang kandidato sa tiket nito na nagpasimuno sa pagpapasara sa sarili niyang home network.

Naging dahilan pa umano ito upang kumalas sa kaniyang tungkulin bilang main host ng “Pinoy Big Brother” si Toni, at kalauna’y sa ABS-CBN.

Payo ni Ogie ngayon sa lahat: “Ilibing na ang nakaraan.”

&t=39s