Matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan, muling nagpakita sa isang vlog si Grace Mondina a.k.a. "Marites", ang estranged wife ng vlogger na si Joel Mondina alyas "Pambansang Kolokoy".

Itinampok siya ng vlogger na si "Wander Z" habang sila ay nasa Los Angeles, California, USA.

Game na sinagot ni Marites ang iba't ibang tanong sa kaniya ng mga netizen habang nagsasagawa ng mukbang ng mga pagkaing Pinoy gaya ng bulalo, dinakdakan, at iba.

Natanong ni Wander Z si Marites kung kumusta na ba ito. Maayos naman daw si Marites at kasalukuyang "strong, independent woman" na nagbabanat ng buto sa Amerika para sa kaniyang mga anak.

Pambansang Kolokoy, ibinida ang baby na anak umano sa ibang babae; RR Enriquez, gustong mang-elbow

Isa sa mga natanong sa bandang dulo ng vlog ay kung may bago na ba siyang boyfriend o nakikipag-date na ba siya.

Isang matigas na "No" ang itinugon niya, at pabirong nagsabi na makipag-ugnayan lamang kay Wander Z kung may gustong mag-aplay.

Matatandaang kamakailan lamang, muling pinag-usapan ang si Pambansang Kolokoy matapos niyang ipakita ang isang litrato kung saan karga niya ang isang sanggol.

"Kahit ano pang sabihin ninyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa…", saad umano ni Joel sa kaniyang social media, na sa kasalukuyan ay hindi na makita.

Nabasa naman ni "Queen SawsaweRRa" RR Enriquez ang balita tungkol dito at "sinawsawan".

"As a Sawsawera Queen I can’t wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now…"

"Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE😂."

"Gigil much si Sawsawera Queen nyo," sey ni RR.

Matatandaang naging usap-usapan ngayong taon ang pasabog ni PK na hiwalay na sila ni Marites, at may iba na siyang kasintahan.

Naintriga pa nga sila ng singer-performer na si Mystica matapos silang maispatang sweet na sweet sa isa't isa.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si PK tungkol dito.