Makulay at enggrande ang pagsisimula ng “Tayo Ang Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special 2022” sa pag-ere nito, Sabado ng gabi, Disyembre 17.

Screengrab mula sa Twitter

Sinimulan ng real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o “KathNiel, kasama ang casts ng kanilang hit teleseryeng “2 Good 2 Be True” ang selebrasyon nang awitin nila ang classic APO Hiking Society Chistmas song na “Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko.”

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sinundan naman ito ng hosts ng “Magandang Buhay” na pawang mga naka-berdeng outfit, sunod ay ang casts naman ng “Love in 40 Days” na naka-asul, habang pula naman para sa mga artistang mula sa “Darna.”

Cast ng "Mars Ravelo's Darna The TV Series) (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Hindi rin nagpahuli ang lead stars ng teleseryeng “The Iron Heart” na sina Richard Gutierrez, Sue Ramirez, Jake Cuenca, Sofia Andres, Kyle Echarri, at Dimples Romana sa kanilang song number.

Isa naman sa pinakapinag-usapan ay ang kuwelang lip sync battle nina Vice Ganda at Ivana Alawi na siyang mga bida sa 2022 Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema ngayong taon na “Partners In Crime.”

Ivana Alawei, MC, Lazzy, at Vice Ganda (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Pinerform ng dalawa ang awiting “Rise Up” ni Andra Day kung saan kaniya-kaniya silang paandar sa bawat liriko ng awitin. Naloka ang netizens nang ilabas ng Unkabogable Superstar ang larawan ni Dabarkads Ryzza Mae Dizon habang naka-harness.

https://twitter.com/binified_/status/1604104143295369216?s=46&t=GtL9FODaUx7xMevu8qeSCQ

Vice Ganda at Ryzza Mae Dizon (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live)

Emosyonal naman ang naging production number ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na inawit ang “Sana Ngayong Pasko” kasama ang Koro Jesu at iba pang Kapamilya singers.

Ibinida rin ang mga ordinaryong pamilya na may nakaaantig na kuwento sa nasabing prod.

Present din ang Christmas icon na si Jose Mari Chan na umawit ng iba’t ibang Christmas songs na sinundan ng sikat na Kapamilya love teams sa pangunguna ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Kinakiligan ang pagsasama ng mga love teams gaya ng KDLex, FranSeth, LoiNie, at DonBelle.

Nagbigay naman ng patikim ang mga Kapamilya sa mga programang dapat abangan sa kanilang network gaya ng “Batang Quiapo” kung saan nagpakilig ang mga bida nitong sila Coco Martin at Lovi Poe.

Nagtapos ang unang bahagi ng Christmas special sa sunod-sunod na dance performances ng mga Kapamilya dancers gaya nila Darren Espanto, AC Bonifacio, Andrea Brillantes, Maymay Entrata, BINI, at BGYO.

Mapapanood ang ikalawang bahagi ng ABS-CBN Christmas Special ngayong Linggo, Disyembre 18, 2022, 8:30 PM sa lahat ng Kapamilya platforms.