Binuksan na nitong Biyernes ang ticket sales para sa labintatlong concert venues ng “Lovescene” North American Tour ni James Reid sa 2023.

Matapos ang matagumpay na album ng aktor at music producer ng Filo-Australian star noong Oktubre, target naman ngayon magbalik onstage ni James.

Basahin: ‘Lovescene’ album, ‘saddest confession’ ni James Reid kay Nadine Lustre, anang fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aarangkada ang kaniyang tour sa Enero 29, 2023 sa Houston, Texas at magtatapos sa Pebrero 26 sa West Hollywoon, California.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Narito ang kumpletong listahan US states at lugar na kalakip sa “Lovescene” tour.

Handog ng Careless at Transparent Arts ang inaabangan nang tour ni James.

Samantala, bago ang opisyal pagbubukas ng tickets para sa proyekto, inilabas din ni James kamakailan ang live performances ng ilang “Lovescene” tracks.

Tampok ang “Lovescene: James Reid live in Palm Springs (High Noon)” sa YouTube channel ng Careless Music nitong Miyerkules.

Kasalukuyan na itong tumabo ng nasa mahigit 55,000 views.

Maliban sa lagare nang tour dates ni James sa susunod na taon, ang music producer din ang isa sa mga mastermind sa inaabangan nang dalawang araw na "Wavy Baby Music Festival" Cebu tampok ang naglalakihang global at local artists kabilang na sina Pink Sweat$,  SunMi, Got7 Bambam, ang K-pop band na The Rose, Ben&Ben, December Avenue, bukod sa maraming iba pa.

Basahin: ‘HEAL’ album ng Korean pop-rock band ‘The Rose,’ inilabas na; James Reid, tampok sa isang kanta – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matutunghayan ang bigating music fest sa Enero 13-14, 2023 sa Mandue City sa Cebu.