Kung karaniwang full glam ang peg ng mga beauty queen sa airport, maiba ngayon ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na hangad basagin ang karaniwang mga pamantayan ng tao sa mga beauty queen.
Ito ang pinatunayan ni Celeste Cortesi sa kaniyang paglipad na patungong Amerika gabi ng Biyernes, isang buwan bago ang inaabangan nang Miss Universe competition.
Basahin: Celeste Cortesi, lumipad na pa-Amerika para sa Miss Universe! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nakasuot ng gown, o hindi full glam ang peg ni Celeste na karaniwang inaasahan sa mga delegada ng bansa sa mga paliparan.
Bagkus, suot lang nito ang komportableng streetwear o kombinasyon ng parehong puting hoodie at jogger. Gayunpaman, litaw na litaw pa rin ang taglay na alindog ni Celeste.
“No matter when and where, comfort should be constant,” prinsipyo ng isa sa Miss Universe Philippines executives na si Jonas Antonio Gaffud.
Hindi naman kataka-taka na ito ang peg ni Celeste. Nang matanong kasi sa naganap niyang send-off kamakailan kung bakit siya ang dapat na koronahan na susunod na Miss Universe, ipinunto ng beauty queen ang relatability at authenticity na taglay aniya niya para sa korona.
“I always wanted to challenge the fact that a beauty queen has to look perfect, I never believe in that. I believe that a beauty queen doesn’t need to fit a certain standard. I believe that a beauty queen can be different because we’re still a human being,” ani Celeste.
Aniya pa, ang pagpasok niya sa beauty pageant ay inspired ng ilang purpose.
“I believe that I’m not scared of showing my vulnerability, I’m not scared to talk about my vulnerability, especially my struggles. I know that because of this kind of strength that I have, people can relate to me and that’s what I want. I believe that Miss Universe doesn’t have to be someone that is unreachable but someone that has to relate to people and I know that I am that kind of person,” pagtatapos ng Pinay rep.
Nauna nang nagpahayag ng kumpiyansa ang buong team ng beauty queen para sa potensyal na ikalimang Miss Universe crown ng bansa.
Gaganapin ang ika-71 edisyon ng prestihiyusong kompetisyon sa Enero 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.
Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang huling Pinay titleholder.