Nakahuli na naman ang tropa ng gobyerno ng mahigit sa ₱17 milyong halaga ng iligal na droga sa dalawang bodega sa Pasay City kamakailan.

Sa pahayag ng Office of the Press Secretary (OPS) nitong Sabado, nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) ang dalawang outbound na parcel kung saan ang una ay naglalaman ng ₱5.6 milyong halaga ng shabu na ipapadala sana sa New Zealand.

Itinago ang mga iligal na droga sa foam na ginagamit sa pag-eensayo ng taekwondo.

Nabisto rin ang apat na package mula sa Mexico na naglalaman ng ₱11 milyong halaga ng shabu.

National

PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

Isa ring package na galing sa Estados Unidos ang nakitaan ng cannabis oil na nagkakahalaga ng mahigit ₱1 milyon.

Nagsagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad, ayon pa sa OPS.