Lilitisin na sa susunod na taon ang kasong rape na isinampa ng modelong Deniece Cornejo laban sa komedyante at television host na si Vhong Navarro.
Sa kautusan ni Taguig City Regional Trial Court Branch 69Judge Loralie Cruz Datahan, itinakda nito ang pagsisimula ng paglilitis sa Pebrero 16 kung saan pinagsusumitenito ng evidence-in-chief ang prosecution panel.
Sumunod na petsa ng paglilitis ay sa Marso 9, 2023 hanggang Abril 11, 2024, ayon na rin sa hukuman.
Sa pahayag naman ng kampo ni Navarro, maghaharap sila ng ebidensya simula Mayo 16, 2024 kung saan ang huli ay itinakda sa Nobyembre 14, 2024.
Nag-ugat ang kaso nang maghain ng reklamo si Cornejo na nagsasabing ginahasa siya ni Navarro sa kanyang condominium unit sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Enero 17, 2014.
Matatandaangsumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro nitong Setyembre 19 sa kasong Acts of Lasciviousness kung saan ito nagpiyansa.
Gayunman, hindi na ito pinakawalan sa NBI detention facility matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte sa kasong rape.
Matapos ang halos tatlong buwan na pagkakapiit, pansamantalang nakalaya si Navarro nitong Disyembre 6 matapos payagan ng hukuman ang mosyon nito na makapagpiyansa.
Jonathan Hicap