Hindi mapapanuod sa ika-71 edisyon ng Miss Universe sa Enero 2023 ang host na si Steve Harvey, ayon sa isang ulat.
Ayon sa Variety kamakailan, ito’y kasunod ng pagtatapos na rin ng exclusive contract ng pageant brand sa Fox at sa host.
Kasabay nito, lilipat na rin ang TV broadcast channel ng Miss Universe na ilalatag na via online streaming.
Samantala, ayon kay Miss Universe Organization CEO Amy Emmerich, inaasahan namang babae ang magiging kapalit ni Steve na iaanunsyo sa mga susunod na linggo.
Gayunpaman, sa isang social media post nitong Lunes, isang survey ang ginawa ng bagong may-ari ng prestihiyusong brand na si Anne Jakrajutatip.
Hinikayat niya ang milyun-milyong followers na magbigay ng suhestiyon sa kung sino o kung babae o lalaki babae ba ng magiging bagong host ng Miss Universe.
Kabilang sa mga sigaw ng fans ang paboritong si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Ilang fans din gayunpaman ang humiling kay Anne na ibalik pa rin Steve bilang regular host dahil naging icon na umano ito sa patimpalak.
Sa pag-uulat, wala pang tugon ang bilyonaryang owner sa mga sagot ng fans.
Sa loob ng limang taon, si Steve ang nagsilbing host ng Miss Universe.
Noong 2015, nakilala siya bilang “most popular host” matapos koronahan si noo’y Miss Colombia na si Ariadna María Gutiérrez Arévalo bilang Miss Universe sa halip na si Pia Wurtzbach.