Tinanggap ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo ang challenge coin mula kay Philippine Coast Guard (PCG) Admiral Artemio Abu.

Sinabi ni Lamentillo na tanda ito ng pagsisimula ng kaniyang planong maging bahagi ng auxiliary force nito.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

“Sa pagtanggap ko ng PCG challenge coin, ang aking pangako ay hindi lamang sikapin na maging bahagi ng PCG Auxiliary, ngunit tumulong din na ipaalam ang tungkol sa kanilang mandato upang mahikayat natin ang mga Pilipino na suportahan ang gawain ng PCG at tumulong pang protektahan ang ating mga karagatan sa ating sariling paraan,” sabi ng opisyal ng DICT.

“Ang mandato ng Philippine Coast Guard ay ang pagprotekta sa ating mga karagatan, na napakahalaga para sa isang archipelagic na bansa tulad ng Pilipinas. Tinitiyak nila ang kaligtasan sa dagat, sinisiguro ang ating teritoryong pandagat, at pinoprotektahan ang ating kapaligiran sa dagat. Mayroon silang marangal na tungkulin na iligtas hindi lamang ang buhay ng tao, kundi pati na rin ang buhay sa ilalim ng dagat. Isang karangalan ang maging bahagi ng PCG auxiliary upang suportahan ang kanilang trabaho sa pagtiyak ng kaligtasan, seguridad, at pagpapanatili ng ating mga karagatan,” dagdag niya.

Binigyan ni Lamentillo ang PCG chief ng kopya ng Night Owl, isang librong isinulat niya noong siya ay Build, Build, Build committee chair. Idinetalye nito ang Build, Build, Build infrastructure program at ang mga nagawa nito, kabilang ang pagkumpleto ng 451 seaport projects, bukod sa iba pa, sa iba't ibang bahagi ng bansa.