Bukod sa motivational speaker at fitness coach na si Rendon Labador, napa-react na rin ang Kapuso trivia master at host na si Kuya Kim Atienza sa kumalat na video ng isang tagahanga ng "Choco Mucho Flying Titans" kung saan makikitang hindi sila pinansin, kinawayan, nginitian, o tinapunan man lamang daw ng sulyap habang naglalakad ang mga ito pabalik sa sasakyan.

"Sino po ang coach nitong mga ito? Dagdagan pa natin ng konti pang training sa good manners & right conduct," saad ni Rendon.

Batay sa video, makikitang isa-isang binati ng babaeng kumukuha ng video ang star players ng team subalit hindi siya nito pinansin. Wala umanong isa sa kanila ang huminto upang tapunan man lamang ng pabalik na "Hi!" o "Hello" ang nabanggit na tagahanga. Ni kaway raw ay wala man lamang daw isinukli.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa comment section ng post ni Labador.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Who are they? Sikat ba sila?"

"Nakakainis panoorin… mahirap bang magsalita ng salitang 'HI' o isang kaway?"

"Parang mga gold ha… konting baba po ng konti, may mga tao talagang konting sikat akala mo kung sino na.. hahaha.. good luck po sa inyo sana po wag matapos kung asan kayo ngayon…"

"Same reaction noong nakita ko video na 'to na-sad ako para sa mga fans nila. Gusto nila ng support during their games but they can't give back to their supporters kahit sa pinakasimpleng gesture lang."

Sa kabilang banda, may mga netizen din naman ang nagtanggol sa Choco Mucho team dahil baka pagod lamang daw ang mga ito, o kaya naman ay nagmamadali nang umalis.

"Hindi lang kayo pinansin, dami n'yo nang kuda. Pumunta po sila ng Boracay to relax and to have fun. Sana naisip n'yo rin na pagod sila and hindi lahat ng mga nagha-hi sa kanila eh need nilang pansinin."

"Huwag nating i-judge baka naman pagod lang sila? Minsan din nila kayong napapasaya at nabibigyan ng inspirasyon. Huwag naman nating i-generalize ang pagkakamali."

"Gutom na siguro kaya mainit ulo? O lahat sila meron kaya wala sa mood. Huwag na lang sana palakihin! Hindi naman sila artista."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

Samantala, ibinahagi naman ni Kuya Kim ang kaniyang opinyon tungkol dito.

"As public personalities, (yes athletes are also public figures) We have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us or we can choose to stay private and give them the cold shoulder. This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys," saad ni Kuya Kim.

Screengrab mula sa FB ni Kuya Kim Atienza

Batay naman sa comment section ay marami sa mga netizen ang sumang-ayon sa mga tinuran ni Kuya Kim.

Kaiba naman sa Twitter dahil trending na si Kuya Kim. Hati ang naging opinyon ng mga netizen tungkol sa kaniyang mga sinabi.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Choco Mucho team tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita Online sa kanilang panig.