Ang lungsod ng Maynila ang nagwagi ng pagkilalang 'Excellence in Digital Public Service'.

Nabatid nitong Linggo na ang panibagong karangalan ay iginawad ng GCash sa lungsod sa katatapos na Digital Excellence Awards. 

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, kinilala ng digital wallet service provider ang matinding paglago ng mga transaksyon sa online payments nitong 2022 sa pamamagitan ng Go Manila App and Website (www.gomanila.com) ng lungsod.

Nabatid na isinama ng parehong platforms ang pagbabayad sa pamamagitan ng GCash para sa business at real property taxes, applications para sa civil licenses at certifications, cedulas at permits.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Labis naman ang pasasalamat ni Lacuna matapos na malaman na ang Maynila lamang ang nag-iisang local government unit na ginawarang ng Excellence in Digital Public Service ng GCash sa taong ito. 

Ang nasabing karangalan ay  tinanggap ng electronic data processing (EDP) sa pamumuno ni Fortune Palileo na na pinuri ni Lacuna dahil sa napakahusay na trabaho.

Samantala, pinuri rin ng alkalde ang pangulo ng Universidad de Manila (UDM) na si Ma. Felma Carlos-Tria matapos na matamo ng eskwelahan ang above national passing rate sa nursing board exams.

Ang UDM, ayon kay Lacuna ay nakakuha ng overall rating na 87.61% noong November 2022 Philippine Nurse Board Examination, na mas mataas sa  national passing rate na 74.40%.

Ayon pa sa alkalde, ang rating na  93.88% para sa first-time takers ay nakuha ng pamantasan, kung saan  92 sa mga graduates nito ang nakapasa. Kabilang sa 18,529 na kumuha ng Nursing Board sa bansa  ay 113 examinees mula sa UDM.       

Sinabihan ni Lacuna si Tria na panatilihin ang mahusay sa gawain at nagpahayag ng pagmamalaki sa natamo ng mga mag-aaral ng UDM.