Inilabas ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary at dating Build, Build, Build committee chair Anna Mae Yu Lamentillo, ang ikalawang edisyon ng kaniyang aklat, ang Night Owl, na kinabibilangan ng bagong kabanata sa Build Better More thrust ng kasalukuyang administrasyon.

Ang Night Owl, na inakda ni Lamentillo, ay nagdedetalye ng mga nagawang imprastraktura ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, partikular ang mga nagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng dating Kalihim na si Mark A. Villar.

DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ito ay isang ulat sa programang Build, Build, Build ng Administrasyong Duterte, partikular na ang 29,264 kilometrong kalsada; 5,950 na mga tulay; 11,340 na mga estrukturang pangontrol sa pagbaha; 222 evacuation centers; 150,149 na silid-aralan; 214 na proyekto sa paliparan; at 451 mga proyektong daungan na itinayo sa loob ng limang taon.

Sa ikalawang edisyon, isinama ni Lamentillo—dating Assistant Secretary at ngayon ay Undersecretary ng DICT—ang isang bagong kabanata para sa digital infrastructure program ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Mula ‘Build, Build, Build’ patungong ‘Build Better More,’ itong ikalawang edisyon ng Night Owl ay nagpapakita ng pagpapatuloy ng programa ng gobyerno para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng imprastraktura, kabilang ang digital infrastructure,” aniya.

“Ang mga kalsada at tulay na nagawa natin sa ilalim ng Administrasyong Duterte ay nagbigay ng mas mahusay na access sa mga mahahalagang serbisyo at pagkakataon para sa kabuhayan, pinahusay na daloy ng trapiko, at pinahusay ang ekonomiya kahit sa gitna ng pandemya. Ngayon, ang pinalakas na digitalization efforts ng Marcos Administration ay magbibigay sa mga Pilipino hindi lamang ng mga pagkakataong matuto ng mga bagong teknolohiya kundi pati na rin ng access sa online learning, telemedicine, online banking, at iba pang digital services,” paliwanag niya.

Isinalaysay ng Night Owl kung paano nakahanap ng mga solusyon ang DPWH, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Villar, sa mga matatagal ng problema sa right-of-way, ghost projects, at hindi naabot na mga deadline.

Ibinahagi rin ni Lamentillo ang kaniyang mga karanasan—kung paanong hiniling din niya na magkaroon ng maayos na mga kalsada sa Pilipinas, hanggang sa siya mismo ang nakasaksi sa napakalaking pagbabago sa network ng imprastraktura ng bansa na naka-angkla sa isang plano sa imprastraktura na naaayon sa Master Plan on ASEAN Connectivity.

Bukod dito, sa edisyon na ito, ipinaliwanag ni Lamentillo kung paano gustong tiyakin ng kasalukuyang gobyerno ang universal connectivity. Kaya ang nangungunang agenda ng DICT, sa ilalim ng pamumuno ni Kalihim Ivan John E. Uy, ay mag-deploy ng digital connectivity sa buong bansa sa pamamagitan ng mga programang tulad ng National Broadband Program at ang Free Wi-Fi for All, pati na rin ang paggamit ng mga bagong teknolohiya, kabilang ang satellite connectivity, upang maabot kahit na Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDAs).

DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Ang Night Owl ay ang unang aklat na isinulat ni Lamentillo. Ito ay inedit ni Manila Bulletin Lifestyle Editor Arnel Patawaran, at inilathala ng Manila Bulletin Publishing Corporation.