Matatandaang matapos ang kinasangkutang isyu ni Tony Labrusca sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong 2019, kung saan kasama niya rin ang aktor na si Alex Diaz, mabilis na kumalat ang chismis ukol sa umano’y tunay na score sa relasyon ng dalawa.

Matapos ang halos apat na taon, nilinaw ni Tony ang naturang isyu.

“Akala kasi nila, ‘yung kasama ko [Alex Diaz], dyowa ko. Ako kasi taga-Vancouver, ‘yung kasama ko taga-Alberta. The only flight that brings you back to Manila is from Vancouver,” anang laking-Canada na si Tony sa panayam ni Ogie Diaz noong Sabado.

Pagbabahagi pa niya, best friend niya si Alex na nakasabay nang umuwi noon.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Lalo lang umugong ang usap-usapan ukol dito matapos lumabas ang mga larawan ng dalawa matapos sumabak sa bungee jumping sa Canada.

Basahin: Tony Labrusca, aminadong tumigas ang puso matapos ang kinasangkutang scandal sa NAIA – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang nadawit maging si Alex nang ipagtanggol nito si Tony sa kinasangkutang pambabatikos kasunod ng kaniyang scandal isyu sa NAIA.

Twitter

“Tapos ang dami ko na lang narinig na yung nga, kasama ko raw dyowa ko. Inaawat ako. Magka-holding hands daw kami dun,” ani Tony na aniya’y imposible dahil nasa magkaibang lane umano sila ni Alex nang lumapag sa airport.

Wala rin umanong katotohanan ang mga lumabas na istoryang inawat siya ni Alex dahil sa umpisa pa lang, wala umanong gulong naganap taliwas sa mga nabanggit online.

Pagsuko na lang ni Tony sa opinyon ng marami, “Wala na akong magagawa dun.”

Aminado naman ang aktor na huli na lang niya nahingan ng tawad si Alex ukol sa tinamo rin nitong pambabatikos kasunod ng insidente.

“At that time, sobra akong focused sa sarili ko. Sobrang selfish ko hindi ko siya naisip. Tapos parang may one day dun ko na-realize na hindi pa ako nag-sorry sa kaniya,” ani Tony.

Pagsisiguro ng aktor gayunpaman, bagaman nahuli ay humingi na siya ng tawad kay Alex.