Isang lucky bettor mula sa Metro Manila ang naging instant multi-milyonaryo matapos na mapagwagian ang mahigit sa ₱63 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi. 

Sa abiso ng PCSO nitong Lunes, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 05-42-40-03-25-35 na may katumbas na total jackpot prize na ₱63,013,007.40.

Ayon sa PCSO, nabili ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Valenzuela City.

Pinayuhan naman ng PCSO ang lucky bettor na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kailangan din umano niyang iprisinta ang kaniyang lucky ticket at dalawang balidong identification cards.

Samantala, may 26 na mananaya naman ang nakapag-uwi ng tig-P50,000 na second prize para sa natamaang tiglimang tamang numero.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes  Huwebes at Linggo.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo.