Puring-puri ni Manay Lolit Solis ang aktres na si Julie Anne San Jose dahil iba raw ang aura at ningning nito sa tuwing napapanood niya ang aktres sa telebisyon.

"Ang ganda ganda ngayon ni Jullie Ann San Jose, Salve. Parang blooming at talagang nasa kanyang best year sa looks ang dalaga. Iba ang aura niya at ningning sa bawat oras na napapanuod ko siya sa TV," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Nobyembre 25.

"Ewan ko kung talagang in love ngayon si Jullie Ann o talaga lang nag aayos na siyang mabuti ngayon, pero sa tutoo lang ibang iba ang kanyang presence sa ngayon," sey pa niya.

Kung mapapanood daw si Julie sa teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" makikita raw na malaki ang pagbabago nito. 

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Samantala, ngayong Sabado, Nobyembre 26, magaganap ang "JulieVerse" concert nila ng kaniyang partner na si Rayver Cruz.