Naiuwi ng isang sarhento ng Philippine Army (PA) ang kampeonato sa katatapos naAltitude Obstacle Course Races (OCR) World Championships na ginanap sa Mount Everest Base camp sa Nepal.

Sa pahayag ni PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad, nanalo sa naturang kompetisyon si Staff Sgt. Andrico Mahilum.

"(He) bagged the championship afterbestingprofessional obstacle athletes from India, Nepal, United Kingdom, Canada, Greece, Australia, South Africa, USA, Poland, Hungary, Spain, Portugal, and Brazil," aniya.

Nasungkit naman ng kakampi ni Mahilum na si Corporal AileneTolentino, ang ikatlong puwesto sa women's category namana ni Sandi Abahan ng Baguio City, ayon kay Trinidad.

Sa nabanggit na kompetisyon, kailangang maakyat ng mga atleta ang pinaka-matayog na bundok sa buong mundo--ang Mt. Everest na may taas na29,032 feeto8,849 metersabove sea level upang makuha ang kampeonato.

Kaugnay nito, kaagad namang binatiPA-Special Service Center director, Col. John Oliver F. Gabun, dalawang atleta sa kanilang tagumpay na nagbigay ng karangalan sa bansa.

“You overcame challenges, braved the unforgiving weather, and conquered the mountain. Kudos and continue to banner the Army’s brand of excellence in your chosen sport,” banggit pa ni Gabun.

PNA