Muli na namang lumakas ang palitan ng piso kontra dolyar nitong Miyerkules, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagsara ang palitan sa₱56.94 kontra sa dolyar nitong Nobyembre 23, mula sa nakaraang₱57.375 nitong Martes.

Sa pahayag ng BSP, bumabawi lang ang halaga ng piso matapos itong bumagsak sa₱59 kontra sa dolyar nitong Oktubre.

Paliwanag ng BSP, ang paglakas ng piso ay resulta lamang ng suportang natatanggap mula sa remittance o padala ng mga overseas Filipino workers, at ito ay inaasahang mananatili o magtuluy-tuloy hanggang ngayong Kapaskuhan.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category