Ito ang kumpiyansang pagpalag ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa sa isang netizen sa kaniyang Facebook post na nag-iwan ng isang unsolicited comment.

Kamakailan, laman ng ilang online pageant communities ang pagkakahawig umano ng Pinay beauty queen sa Mexican delegate sa Miss Earth 2022 na si Indira Meneses.

Dahil nasa Pilipinas kasalukuyang nagpapatuloy ang naturang pageant, kalauna’y nagkita na nga nang personal sina MJ at Indira noong Linggo, tagpo na ibinahagi ng Pinay beauty queen online.

Dito, kapansin-pansin nga ang tila pagkakamukha ng dalawa na parehong kinaaliwan at pinuri ng maraming followers ni MJ.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Gayunpaman, isang basher ang hindi naawat na mag-iwan ng isang unsolicited comment sa dapat sana'y positibong tagpo.

“Parehas retokada?” mababasaang saad ng basher sa Facebook post ni MJ kalakip ang isang screenshot copy.

Hindi naman nagkimeng palagan ito ni MJ.

“Yes, I can afford,” kumpiyansang sagot ng dating titleholder.

Sinubukan pang depensahan ng basher ang sarili.

“I never said you can’t afford, you definitely can… with all your resources. No question with that at all my dear MJ,” pabalik na saad nito kay MJ.

“So what’s the point with the comment madam, it’s almost 2023 wake uppppo,” anang beauty queen.

Sa parehong post, ibinahagi ni MJ ang pinagdaanang pambu-bully noong 2011 bago naging delagada ng bansa sa Miss Universe 2014 kung saan umabot siya sa Top 10.

“Ma’am Cedric I was bullied in 2011 for having veneers and boobs and waist that’s too small, (apparently they insisted I took off my rib but since my waist is not that small anymore I prob grew them back, alien yarn) and that was okay. I survived it,” aniya.

Sunod na napa-“Eww!” na lang si MJ sa aniya’y nahuhuling mentalidad ng netizen.

Sa pag-uulat, nasa 3,300 reactions na ang naturang post ng beauty queen sa Facebook.