Maliban pa sa naiulat na gender-neutral uniform policy ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), ilang kontrobersyal na uniform and dress code policies din ang binasag kamakailan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Nauna nang pinuri ng marami ang kauna-unahang pampublikong unibersidad sa bansa na nagbigay permiso sa mga estudyante na magsuot ng uniporme base sa kanilang gender identity at gender expression.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Kasabay nito, ilan pang polisiya na karaniwang mahigpit na ipinatutupad sa mga unibersidad ang binago rin administrasyon.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng hikaw sa parehong kalalakihan at kababaihan, at gayundin ang pagpapapinta ng buhok.

Matatandaang kadalasa’y nagiging isyu ito ng ilang estudyante na anila’y walang direktang epekto sa kanilang pag-aaral, at sa halip ay pagpigil lamang umano sa kanilang malayang pagpapahayag.

Bukod pa rito, pinapayagan na rin ng PLM ang mga kalalakihang estudyante na magpahaba ng buhok, sa kondisyong dapat kaaaya-aya at malinis itong tingnan.

Bukas na rin ang paaralan maging sa mga estudyanteng nais magpakulay ng kanilang kuko, alinmang kasarian.

Viral online ang ilang pagbabago ng polisiya na parehong hinangaan at pinuri ng maraming netizens.

Hangad nila, sana’y mas marami pang pampublikong institusyon sa akademya ang sumunod sa hakbang ng PLM.