Binuksan na sa publiko ang Marikina Christmas Shoe Bazaar sa Freedom Park, tapat ng Marikina City Hall nitong Lunes.

Mismong sinaMarikina City First District Representative Marjorie “Maan” Teodoro at Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang nanguna sa naturang aktibidad.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ng mag-asawang Teodoro nagawin nang libre o 'free of charge' habambuhay ang paglahok sa mgashoe bazaars sa lungsod, na itinuturing na 'shoe capital' ng bansa.

“Makakatulong ito dahil maipagpapatuloy nito ang mga bazaar natin ng walang dagdag na gastusin sa mga magsasapatos,” ayon kay Mayor Teodoro.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Anang alkalde, kabilang ang mga magsasapatos sa mga matinding naapektuhan ng pandemya ng COVID-19 kaya't magiging malaking tulong kung magiging libre na ang paglahok nila sa mga shoe bazaar.

“Malaking bagay ito para sa employment dahil sa bawat sapatos na nabibili sa bazaar, may dalawa hanggang tatlong sapatero o manggagawa ang natutulungan na magkatrabaho. Hindi lang sa pagbebenta ng sapatos kundi sa pagbuo ng bagong merkado na meron tayo,” ani Mayor Marcy.

“Kasama doon sa proposal na iyon ay yung pagbibigay ng pundo doon sa mga promotional activities at doon sa mga training ng mga nagtitinda sa bazaar—yung proper salesmanship at proper product knowledge. Napakahalaga nito para mabenta yung sapatos," aniya pa.

Dagdag pa ng alkalde, umaasa silang bago matapos ang taon, ang naturang panukala ni Cong. Maan ay maisapinal at maipatupad na.

“We're hoping by the end of the year, yung proposal ni Congresswoman Maan ay ma-finalize na at ma-implement natin hopefully by start of the year if all things will proceed well,” aniya pa.

Sa panig naman ng mambabatas, sinabi nito na,“Yearly ito na Christmas shoe bazaar, pero gusto nga sana namin na gawing in perpetua, meaning habang buhay. Wala na talaga silang babayaran sa pwesto nila at the same time ang city na ang bahala sa gastos sa mga stalls at kung ano pa ang equipment na gagamitin habang sila ay nagtitinda ng mga sapatos."

“Talagang gusto ng city na i-revive yung pagawa ng sapatos—mas palakasin. At ito ay isa lamang doon sa hakbang na iyon. The more na may negosyo tayo, mas maganda para sa Marikina,” aniya pa.

Sa pagbubukas naman ng bazaar, nilagdaan rin ni Mayor Marcy ang Ordinance No. 191, Series of 2022 na may titulong “Ordinance Granting Exemption to members of the Philippine Footwear Federation Incorporated from paying the rental fees on the use of shoe exhibition stalls at the Freedom Park during the 2022 Sapatos Festival.”

Sinabi pa ng alkalde na nais rin niyang dalhin ang Marikina Shoe Bazaar sa iba pang panig ng bansa upang mai-promote ang affordable at matitibay na sapatos na gawa ng mga taga-Marikina.

Tinatayang aabot sa42 footwear at leather-goods manufacturers ang lumahok sa bazaar ngayong taon.

Bukas ito araw-araw mula Lunes hanggamg Linggo, ganap na alas-9:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.