Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang taga-Mindanao matapos masamsaman ng mahigit sa₱251.6 milyong halaga ng illegal drugs sa nasabing lugar nitong Sabado.

Sa report na isinapubliko ng public information office ng Cavite Police Provincial Office (PPO), nakilala ang dalawang suspek na sina Datu Ali Sampulna, 38, at Almira Sampulna, 30, tubong Poblacion 7, Cotabato City.

Ang mga ito ay dinakip sa inuupahang bahay sa Barangay Buhay na Tubig sa Imus, Cavite nitong Nobyembre 12 ng gabi.

Paliwanag niCavite Police Provincial Director Col. Christopher Olazo, dinakma nila ang mag-asawa habang nagbebenta ng isang kilo ng shabu sa isang police poseur buyer.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ng pulisya, nangungupahan lamang ang mag-asawa sa nasabing lugar.

Nasa 37 kilo ng pinaghihinalaang iligalna droga ang nasamsam sa mga suspek.

Natuklasan ng pulisya na galing pa sa Mindanao ang ibinebentang iligal na droga ng mag-asawa.

Bukod sa Cavite, ikinakalat din umano ng mga suspek ang iligal na droga saMetro Manila, Calabarzon (Region 4A), Mimaropa (Region 4B) at sa iba pang kalapit na lugar.

Nahaharap na sa paglabag sa Republic Act9165 (ComprehensiveDangerous Drugs Act of 2002) ang mag-asawa.