Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa₱4.3 milyong halaga ng 'kush' o high-grade marijuana sa Clark, Pampanga kamakailan.

Sa report ng Bureau of Customs (BOC), ang nasabing illegal drugs na aabot sa 2,922 gramo ay nadiskubre nila sa kargamentong idineklarang "fishing net, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ng BOC, dumating sa Port of Clark ang kargamento galing Azusa, California nitong Oktubre 23.

Isinailalim sa physical examination ang kargamento dahil sa kahina-hinalang laman nito at nang buksan ay tumambad ang styrofoam sheet kung saan nakapaloob ang anim na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Tinutunton pa ng mga awtoridad ang may-ari ng nasabing kargamento.