Anim na katao ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at nasagip ang 36 na babae mula sa dalawang establisyimento na umano'y sangkot sa sex trafficking sa Bocaue, Bulacan.

Kinilala ng NBI ang mga naaresto mula sa Pisces Health Spa Massage na sina Jomar Pagadora at Risa Cordova, habang ang mga mula sa Dumagat Grill Resto Bar ay sina Glenda Lising, Edna Oscares, Belen Florin, at Kit April Rose Morales.

Sinabi nito na ang mga operasyon ay isinagawa ng Bulacan District Office (NBI-BULDO) nito batay sa verified information na natanggap.

“Sa pamamagitan ng nasabing impormasyon, nagsagawa ng surveillance operation ang NBI-BULDO para i-verify ang katotohanan ng operasyon at pagkatapos ay nagplano ng entrapment operation para hulihin ang mga taong nasa likod ng labag sa batas na aktibidad na ito,” anang NBI.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi rin nito na ang mga naaresto ay kinasuhan ng mga paglabag sa Republic Act No. 9208, ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyendahan ng RA 11862, ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.

Jeffrey Damicog